![image 355](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/08/image-355.png)
Prayoridad na makapag-angkat ang pamahalaan ng Pilipinas ng isdang galunggong na nakatakdang dumating sa buwan ng Oktubre.
Una nang pumayag ang Department of Agriculture sa importasyon ng 35,000 metric tons ng iba’t ibang uri ng ng isda, kabilang na ang galunggong.
Sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ito ay upang mapunan ang kakulangan na dulot ng closed fishing season.
Dagdag dito, ang nasabing hakbang ay mapunan ang gap o pagkukulang sa supply sa wet markets sa buong bansa.
Bukod sa galunggong, nakatakdang mag-angkat din ang moonfish, mackerel, bigeye scad, at iba pang isda.
Ayon pa sa kawanihan, dapat ding dumating ang lahat ng pag-import bago ang Enero 15 sa susunod na taon.
Una nang iginiit ng BFAR na ang pag-aangkat ay para rin sa long term utilization ng resources partikular na upang mapangasiwaan ang malawak na pangisdaan sa buong Pilipinas.