Maaring isangguni sa korte ng Duterte administration ang isyu para pilitin ang Philippine Red Cross (PRC) na ilabas ang kanilang financial reports.
Kasunod ito sa pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi nagsumite ng financial status ang PRC kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang honorary president ng PRC.
Kapag hindi aniya nila ginawa ito ay mayroon na silang pananagutan at kung limang taon na hindi pa rin sila nagsumite ay malinaw na mayroon na silang paglabag.
Magugunitang nagbanta rin si Pangulong Duterte na kaniyang ipapatigil ang lahat ng government transactions sa PRC.
Ang nasabing banta aniya ay tila pagganti ng pangulo sa ginagawang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee na pinangungunahan ni Senator Richard Gordon na siya ring chairman ng PRC tungkol sa pagbili ng mga overprice na supplies ng Department of Health (DOH) noong 2020 sa COVID-19 response.