-- Advertisements --
Target ng gobyerno na magkakaroon ng sarilng bank accounts ang nasa 26 milyon katao sa katapusan ng 2021.
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na pinapabilisan na ng gobyerno ang Philippine Identification System (PhilSys) o National ID system.
Dagdag pa ng National Economic Development Authority (NEDA) Chief na mayroong ng 36 milyong indibidwal ang nagparehistro na para makakuha ng national ID at 3.7 milyon ng mga head of the family ang nag-apply na para magkaroon ng bank account.
Layon din nila na makapagparehistro ng 50 milyong katao para sa Philippine ID at makamit ang 100-percent financial inclusion sa bawat kabahayan sa katapusan ng 2021.