Plano ng gobyerno na pabakunahan ang humigit-kumulang 13.5 milyong mga batang Pilipino na may edad lima hanggang 11-anyos laban sa COVID-19 habang sinimulan na ang mass inoculation program sa mas nakababatang popolasyon ng bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire inaasahan ng bansa na makatanggap ng humigit-kumulang 40 milyong COVID-19 vaccine doses sa pagtatapos ng taon.
Gayunpaman, sinabi ng opisyal ng kalusugan na ang petsa ng paglulunsad ng mga anti-coronavirus shots para sa mga batang lima hanggang 11-anyos ay nananatiling hindi sigurado dahil mayroon pang emergency use authorization (EUA) para sa mga bakunang COVID-19 na maaaring ibigay sa mga bata sa nasabing pangkat ng edad.
Kamakailan ay binuksan ng Pilipinas ang pagbabakuna para sa COVID-19 sa mga batang may edad na 12 hanggang 17-anyos.
Dati rati ang mga Pilipinong nasa hustong gulang, o mga indibidwal na 18-anyos pataas ang karapat-dapat lang turukan laban sa bagong coronavirus.
Tiwala naman si Food and Drug Administration Director-General Eric Domingo na maaari nang maturukan ng mga bakuna para sa COVID-19 ang mga menor de edad na wala pang 12-anyos bago matapos ang taon kung saan malapit nang mag-apply ang mga manufacturers ng bakuna para sa pagpapalawak ng Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang mga produkto.