Tiniyak ng Department of Finance na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para maging abot kaya ang mga bilihin bago mag pasko.
Ayon kay Finance Sec. Ralph Recto, layon nitong gawing merry ang pasko ng bawat mamamayang Pilipino.
Ginawa ng kalihim ang naturang pahayag matapos ang naitalang 1.9% na inflation outturn noong September.
Ibig sabihin, nagkaroon ng pinakamababang inflation sa bansa sa loob ng 4 na taon.
Sinabi ni Recto na mayroon silang mga ginagawang bagong interbensyon para matugunan ang ang food and non-food inflation sa Pilipinas.
Isa na aniya rito ang bagong batas na Anti-Agricultural Economic Sabotage Act .
Inaasahang magagamit ang batas na ito para mapigilan ang malawakang smuggling, hoarding at iba pang ilegal trade na nagsasabutahe sa ekonomiya ng bansa.