-- Advertisements --

Target ng Department of Agrarian Reform na matapos ngayong taon ang pamamahagi ng Certificate of Condonation sa mga magsasaka.

Batay sa datos ng ahensya , pumalo na sa mahigit P10. 859 billion ang kabuuang halaga ng utang ng mga magsasaka ang nabura noong nakalipas na taon.

Ito ay dahil na rin sa patuloy na pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapagaan ang buhay ng mga lokal na mga magsasaka sa buong bansa.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, aabot sa mahigit 230, 000 na Certificates of Condonation ang naipamahagi ng gobyerno sa mahigit 198, 000 na mga magsasaka sa Pilipinas .

Aniya, ito ay katumbas ng higit 252, 000 na ektarya ng agricultural land.

Ngayon taon ay tinatarget ng pamahalaan na matapos ang pamamahagi ng higit 600, 000 COCs sa mga magsasaka.