Tiyak na kikita ang gobyerno ng 6.5% ng pinuhunan nito sa unang tatlong taon sa Synergy Grid Development of the Philippines at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ayon kay Maharlika Investment Corporation at CEO na nasa 19.7 bilyong piso ang ibubuhos nila sa kauna unahang investment ng MIC.
Katumbas aniya ito ng P15pesos per preferred share.
Paliwanag ni Consing, pagkalipas ng tatlong taon ay pwede nang iconvert ng MIC ang puhunan sa common share at inaasahang tataas na ang dividend rate nito sa 8%.
Ipinaliwanag din ni consing na bago pa man nabuo ang mic, prioridad na talaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mamuhunan sa sektor ng enerhiya.
Ayon kay Consing, ang transmission sector ang pinaka kaakit akit na buhusan ng puhunan para makamit ang mas katiwa tiwala, mas secure at abot kayang kuryente.
Kaya ito aniya ang dahilan kung bakit sa sgp at ngcp unang namuhunan ang MIC.
Naniniwala si Consing na para sa progreso o pag unlad ng bansa kailangan mayroon itong matatag na suplay ng kuryente.
Tumanggi naman si Consing na isapubliko kung magkano ang eksaktong presyo ng kikitain mula sa investment dahil anya sa price sensitive data and information.