Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na nakahanda silang tumulong sakaling hingin ng Interpol ang tulong kaugnay sa umano’y warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Palace Press Officer USec Atty Claire Castro hindi mag-aatubili ang gobyerno na ipatupad ang warrant of arrest na inisyu ng international criminal court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte basta basta dumaan ito sa tamang proseso at naaayon sa batas.
Sinabi ni Castro na handa naman ang mga law enforecement agency na tuparin ang kanilang mandato hinggil dito basta hiniling ng international police o interpol ang tulong ng pamahalaan at wala itong nalalabag na batas.
Sa kabilang dako, siniguro naman ni Castro na pipigilan ng pamahalaan ang anumang posibleng gulo na idulot ng paghahain ng warrant of arrest kay dating pangulong duterte.
Panawagan naman ni Castro sa mga supporters ng dating Pangulo na huwag ng magmatigas at huwag nang makialam sa proseso sakaling matuloy ang pagpapa aresto ng ICC kay Duterte at hayaang gumulong ang batas at rule of law.
Sa panig naman ng dating pangulo, nauna nang sinabi nito na handa niyang harapin sakaling ipaaresto na siya ng ICC.