-- Advertisements --

Tiniyak ng National Maritime Council (NMC) na isusustini ng gobyerno ang presensiya nito sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea matapos nilisan ng BRP Teresa Magbanua ang lugar.

Ayon kay National Maritime Council Spokesperson retired Vice Admiral Alexander Lopez magpapatuloy ang gagawing monitoring ng pamahalaan sa lugar at ido dokumento ang mga iligal na aktibidad ng China.

Hindi naman pinangalanan ni Lopez ang barko na pinadala kapali ng BRP Teresa Magbanua na sasailalim sa repair at rehabilitation dahil sa damaged na tinamo nito matapos banggain ng China Coast Guard.

Binigyang-diin ni Lopez na naging lesson learned na para sa Pilipinas ang nangyari sa Scarbourough Shoal na sinakop ng China.

Ipinunto pa ng opisyal na gagawin ng pamahalaan ang lahat mapanatili ang presensiya sa lugar.

Matiyak na maipatupad ang sovereign rights ng bansa at jurisdiction nito.

Ang Escoda Shoal ay bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas batay sa 1982 UNCLOS.

Kahapon dumating sa Puerto Princesa Palawan ang BRP Teresa Magbanua.

Samantala, inihayag ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na nasa maayos na kalagayan na ngayon ang ilang tauhan ng BRP Teresa Magbanua na nagkaroon ng dehydration at sumalit ang tiyan.

Siniguro din ni Gavan na magpapatuloy ang kanilang mandato para protektahan ang teritoryo ng bansa lalo na sa Escoda Shoal.