Tiwala ang gobyerno na aabot na sa 6 milyon ang bilang ng mga nabakunahan sa susunod na linggo.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na inaasahan kasing darating sa bansa ang 10 milyon na COVID-19 vaccine ngayon buwan.
Dahil sa dagdag na bilang ng mga bakunang darating ay madadagdagan na ng mula apat hanggang limang milyong katoa pa ang mababakunahan.
Sisimulan kasi ngayong araw ang pagpapbakuna ng nasa A4 priority group ang mga working population o mga economic fronliners.
Tiwala rin si Galvez na makakamit ng gobyerno ang kaniyang target dahil sa pagdating ng mas maraming mga bakuna pa sa buwan ng Hulyo.
Pinakahuling dumating sa bansa ang 1 milyon doses ng Sinovac vaccine nitong Linggo ng umaga habang mayroong 100,000 na Sputnik V vaccine naman ang darating sa Hunyo 8 at karagdagang 1 milyong Sinovac at 2.2 milyong doses ng Pfizer mula sa global alliance na COVAX facility ang darating sa Hunyo 10.
Habng aasahan naman ang pagdating ng 2 milyon AstaZeneca vaccines mula rin sa COVAX facility ang darating ngayong buwan.