-- Advertisements --

Target ng gobyerno na makapagbigay ng 47 milyon na mga reusable face masks para sa mga mahihirap.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na mayroon ng 13 milyon na mga facemasks ang naideliver na nila habang mayroong 16 milyon ang inihahanda na para i-deliver at 17 milyon pa ang kasalukuyang ginagawa.

Dagdag pa nito na ang nasabing mga facemask ay gawa ng mga lokal na mananahi na nagbibigay ng trabaho ngayong COVID-19 pandemic.

Magugunitang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit na magpamigay ng mga facemask para sa mga mahihirap para tuluyang maiwasan ang pagkalat ng virus.