Mayroong panibagong P540 bilyon na utang ang gobyerno sa Bangko Sentral ng Pilipinas para sa karagdagang pondo sa paglaban sa COVID-19.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno na noon pang Hulyo 1 ay inaprubahan ng Monetary Board, ang policy making body ng BSP, ang short-term loan sa gobyerno.
Ang nasabing utang aniya ay kahalintulad sa terms and condition na ibinigay din nila sa gobyerno sa utang nito noong Enero nabayaran na noong Hunyo.
Magugunitang noong Marso 2020 binili ng BSP ang P300-bilyon na halaga ng government bonds para karagdagang tulong sa laban ng gobyerno sa pandemya.
Matapos na makapagbayad noong Setyembre ay nagpahiram muli ang BSP ng P540 bilyon sa gobyerno noong Oktubre hanggang mag-matured ito ng Disyembre at humiling muli ang gobyerno ng bagong credit line noong Enero.