Walang balak na harangin o tututulan ng gobyerno kung nais ng dating Pang. Rodrigo Duterte na sumuko sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC).
Reaksiyon ito ng Malakanyang sa pahayag ni Duterte sa ICC na pumunta na sa Pilipinas at imbestigahan siya kaugnay sa madugong war on drugs.
Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, kung ire-refer ng ICC ang proseso ng imbestigasyon sa interpol at mag-transmit ito ng red notice sa mga otoridad sa bansa, maoobliga ang pamahalaan na kilalanin ang red notice.
Sinabi ni Bersamin, kung ganito ang mangyayari kailangang makipagtulungan ang nga otoridad sa Interpol alinsunod sa umiiral na protocols.
Humarap ngayon ang dating Pangulo sa pagdinig ng Kamara sa usapin ng war on drugs noong kanyang administrasyon.
“ If the former President desires to surrender himself to the jurisdiction of the ICC, the government will neither object to it nor move to block the fulfillment of his desire.
But if the ICC refers the process to the Interpol, which may then transmit a red notice to the Philippine authorities, the government will feel obliged to consider the red notice as a request to be honored, in which case the domestic law enforcement agencies shall be bound to accord full cooperation to the Interpol pursuant to established protocols,” mensahe ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin.