Naghatid ng mensahe si Pope Francis kasabay nang selebrasyon ng buong mundo sa araw ng kapanganakan ni Hesu Kristo upang ipaalala sa sanlibutan kung paano patuloy na minamahal ng Diyos ang bawat tao.
“You may have mistaken ideas, you may have made a complete mess of things… but the Lord continues to love you,” saad ng santo papa.
Nagtipon-tipon naman ang libo-libong katao sa Bethlehem upang salubungin ang araw ng Pasko.
Libo-libong Palestinian din ang nagsama-sama sa tinaguriang “little town” sa West Bank para naman isagawa ang kanilang taunang piyesta.
Dumating naman sa Jerusalem si Archbishop Pierbattista Pizzaballa, ang pinaka-matandang Roman Catholic archbishop ng Middle East.
Kinailangang tawirin ni Pizzaballa ang barrier na naghihiwalay sa Israel at Bethlehem. Aniya, sinubok ng taong 2019 ang paniniwala ng mga Katoliko sa Diyos ngunit naniniwala pa rin umano siya na may pag-asa pa ring natitira sa bawat isa.
“We see in this period the weakness of politics, enormous economic problems, unemployment, problems in families,” saad ng archbishop.
“On the other side, when I visit families, parishes, communities, I see a lot of commitment… for the future. Christmas is for us to celebrate the hope.”