-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inalam ng Mines and Geo-Sciences Bureau o MGB-Caraga ang gold content ng nakumpiskang mga raw minerals mula sa 2 mga gold processing plants sa Brgy. Tugbungon at Brgy. Rizal parehong sakop ng Surigao City sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Ito’y matapos ang matagumpay na pagsi-serve nila ng search warrants sa mga minahan na ino-operate nina Charlie Ong alyas Sammy Ong at ng Pinoy celebrity na si Paul Jake Castillo na nagresulta sa pagkakahuli ng 6 na mga Chinese nationals.

Ayon kay PLCol Jassen Tuario, provincial chief ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Surigao del Norte, kasama sa kanilang nakumpiska ay ang mga gamit sa gold processing at mga mga chemicals.