-- Advertisements --

Iniulat ngayon ng Philippine team na dumating na rin sa Tokyo, Japan ang isa sa gold medal hopeful ng bansa ang boxer na si Eumir Marcial.

Kasama ni Marcial ang kanyang coach at dati ring Olympian na si Ronald Chavez.

Kinumpirma ng chef de mission ng Pilipinas sa Olympics na si Mariano Araneta na nanggaling pa si Eumir sa Colorado sa Amerika matapos ang matinding training.

Habang ang tatlo pang miyembro ng Philippine boxing team ay dumating na rin na nanggaling naman sa Thailand.

Bukas inaasahang marami pang atleta ang darating sa Tokyo kasama ang kanilang coaches at mga medical teams