BACOLOD CITY – Sa likod ng mga puntos, records at panalo, ay ang mga istoryang dumaan sa mahihirap na proseso bilang mga atleta na nagiging inspirasyon ngayon.
Tulad nalang ng mga istorya sa likod ng tagumpay nina champion pole vaulter “EJ” Obiena, world champion gold gymnast Carlos Yulo, at boxing world gold medalist Nesthy Petecio, na may kanya-kanyang paghihirap at kabiguan bago maging mga kampeon.
Ang 23-year old na si Obiena ay pinanghinaan ng loob na magpatuloy sa kanyang laban nang magkaroon ng knee injury noong 2017.
Gayunman, pingahugutan niya ng lakas ng loob ang kahinaan para ipagpatuloy ang laban sa pole vaulting.
‘‘As an athlete you have your ups and down and basically our journey. Hindi po lagi na maganda yong result. So I just try to enjoy ang keep pushing it. That just how it works I think,” saad ni EJ sa Star FM Bacolod.
Nabigo namang makuha ni Caloy ang gold medal noong 2018 at umabot lamang siya ng 7th place sa floor exercise, pero dahil mula bata pa ay nasanay siyang gumawa ng paraan para bumangon.
Ayon pa sa dating coach nito ni Caloy na si Ricardo Otero, Jr., nang magsara ang gym na pinag-e-ensasayuhan nila noon ay nagtiyaga si Caloy na mag-trainig sa field para maging magaling hanggang sa na-discover siya ng isang Japanese gymnast expert.
‘‘Napasara ‘yong gym gawa nong sa Gap noon may problema sa PSC, doon kami sa labas nag te-training sa oval. Masisipag yang mga iyan eh kahit na walang allowance basat tuloy-tuloy lang.,’ kwento ni coach Otero.
Dumating naman sa puntong gustong lisanin ni Petecio ang boxing noong matalo siya via 2-3 split decision kay Chinese Yin Jun Hua noong 2018 sa Asian Games featherweight match, dahilan kung bakit hindi siya nakausad para makuha noon ang gold medal.
”Nawala po ako sa focus kung baga nawala ‘yong ano ko sa boxing po. Dagdasal po talaga ako kung saan ako hanggan kung bakit hindi niya binigay sa akin ‘yon. Tapos syempre binalikan ko po talaga ‘yong rason kung bakit ako pumasok sa boxing,’ ani Petecio.
Sa ngayon, ini-enjoy pa ng tatlo ang kanilang magkakasunod na tagumpay pero aminado naman silang simula palang ng kanilang sabak sa mas malaking oportunidad.
Katunayan ay maglalaro pa sila sa 30th Southeast Asian Games sa susunod na buwan.
Idagdag pa rito si Petecio na may laban pa sa Tokyo sa susunod na taon para sa Asian qualifier sa China, habang sina Obiena at Yulo naman ay maghahanda para sa Tokyo Olympics.