-- Advertisements --

Naibenta sa halos $2 milyon ang gold pocket watch na ibinigay sa ship captain ng Titanic.

Ang 18-carat Tiffany & Co. na relo ay ibinigay ng tatlong babae na nakaligtas kay Capt. Arthur Rostron.

Inilihis kasi ni Rostron ang barko nito para mailigtas ang mga pasahero ng lumubog na Titanic.

Ibinigay ng balo ni John Jacob Astor ang pinakamayamang tao sa lumubog na barko.

Ang nasabing relo kasi ay siyang tanging bagay na nakita sa bulsa ni Astor.

Ayon sa Henry Aldridge and Son na ang nasabing relo ay naibenta sa isang private collector sa US.

Si Rostron ay nabigyan ng pagkillala ng US Congressional Gold Medal ni President William Howard at nabigyan ng knight ni King George V.