-- Advertisements --
Sinimulan na ni retired six-division world champion Oscar de la Hoya ang pagsasanay matapos na ianunsiyo ang interes nitong pagbabalik sa boxing.
Sinabi ng 47-anyos na Mexican boxer nais niyang ipakita na kaya pa niyang makipagsabayan sa ibabaw ng ring.
Gaya aniya ng mga retiradong boksingero na sina Mike Tyson at Evander Holyfield ay hindi malabong kaya rin niyang bumalik sa laban.
Huling laban nito ay noong talunin siya ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao.
Hindi naman nito binanggit kung kailang ito lalaban kung ngayong taon o sa susunod na taon.