-- Advertisements --
Hindi na nagsagawa ng magarbong 18th birthday party ang singer na si Golden Cañedo.
Sinabi nito na imbes na magsagawa ng party ay minabuti na lamang niyang magpamigay ng ilang sako ng bigas sa kaniyang kababayan sa Minglanilla sa Cebu.
Napagdesisyunan ito ng kaniyang pamilya noong pinaplano ang kaniyang kaarawan noong Abril.
Dagdag pa nito na labis ang kaniyang kalungkutan ng makita niya ang kalagayan ng kaniyang mga kababayan.
Naging simple na lamang ang pagdiriwang niya ng kaarawan kung saan nagluto na lamang sila ng pagkain at sama-sama silang magkakamag-anak na kumain.