Pasok na sa Western Conference finals ang Golden State Warriors matapos pahiyain ang Houston Rockets sa kanilang home court, 118-113.
Ang pananaig ng ng Warriors sa serye laban sa karibal na Houston sa pamamagitan ng 4-2 ay sa kabila na hindi naglaro ang isa sa kanilang superstar na si Kevin Durant.
Hindi rin nakarating sa Houston si Durant at nanatili lamang sa Bay Area bunsod nang treatment sa kanyang injury.
Kumamada ng 33 puntos, limang rebound at apat na assist si Stephen Curry para pangunahan ang panalo ng Warriros.
Malaki rin ang tulong ni Klay Thompson na naka-27 puntos habang 17 points ang naiambag ni Andre Iguodala.
Sa panig ng Rockets nasayang ang 35 points na ipinakita ni James Harden at si Chris Paul na may 27 points.
Makakalaban ng Golden State ang mananalo sa Game 7 sa pagitan ng Portland Trail Blazers at Denver Nuggets na ngayon at tabla sa serye, 3-3.