Pumanaw na si Golden State Warriors legend Alvin Attles sa edad na 87.
Si Attles ay naging bahagi ng Warriors sa loob ng anim na dekada bilang player, general manager, at kinalaunan ay team ambassador.
Si Attles ay pinili ng Warriors sa ikalimang round ng 1960 draft. Sa kanyang paglalaro sa naturang koponan, hawak niya ang average na 8.9 points, 3.5 rebounds, at 3.5 assists
Bilang bahagi ng Warriors management, natunghayan pa ni Attles ang anim na championship run ng modernong GSW mula 2015 hanggang 2022 sa pangunguna ng dating Splash Brothers na sina Stephen Curry at Klay Thompson.
Si Wattles ay ipinanganak noong 1936 at bahagi ng Naismith Memorial Basketball Hall of Fame, ang pinakamataas na pagkilala sa mga pinakamagagaling na basketball player.
Siya ay kilala sa tawag na ‘The Destroyer’ dahil sa paraan ng kanyang paglalaro kung saan ginagamitan niya ito ng pisikalidad, na siyang pangunahing playstyle noong dekada ’60, ’70, ’80, at sa mga sumunod pang taon.
Buhos naman ang pakikiramay sa pamilya ng Hall of Famer kasunod ng kanyang pagpanaw. Kabilang sa mga nagpaabot ng simpatya at pakikidalamhati ay sina Warriors coach Steve Kerr, Warriors owner Joe Lacob, at iba pang NBA legend.