Nagbubunyi ngayon Golden State Warriors matapos na makita sa kanilang training camp ang pagbabalik na ni NBA superstar Klay Thompson.
Inabot din ng mahigit sa dalawang taon na hindi nakapaglaro si Thompson sa NBA.
Sumailalim kasi ito sa pagpapagamot matapos magtamo ng pagkapunit ng ACL sa kanyang kaliwang paa sa Finals ng Game 6 noon pang June 2019.
Si Thompson ang itinuturing na isa sa pinakamatinding shooter sa liga.
Natuwa naman si Warriors coach Steve Kerr sa nakita sa team practice na mistulang hindi pa rin daw kumukupas ang pamatay na mga three point shots ni Thompson.
Sa kabila nito, ilang buwan pa ang aantayin bago tuluyang makalaro si Klay sa koponan kung saan sa October 19 na magbubukas ang bagong season ng NBA.
Nabanggit na rin ni Thompson na nasa 80 porsyento pa lamang siya at puspusan pa rin ang rehabilitasyon sa kanya.