-- Advertisements --

Agad na dinagsa ng mga golfers ang muling pagbubukas ng golf course sa Florida.

Niluwagan na kasi ang Parks sa Palm Beach County matapos ang ilang linggong ipinatupad ang lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Bagamat napuno ang halos lahat ng mga golf course ay nagpatupad pa rin sila ng mahigpit ng kautusan gaya ng pagsusuot ng mga face masks.

Ang mga staff ay nag-spray ng mga dissenfectants sa mga ginagamit ng bola at nakasuot ng mga gloves at ang mga manlalaro ay inoobersabahan ang 6 feet distance.

Maraming mga golf course ang nakatakdang buksan sa mga susunod na linggo sa nasabing lugar.