-- Advertisements --

Isiniwalat ni Australian golf great Greg Norman na nagpositibo ito sa COVID-19.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Norman na nakaranas daw ito ng sintomas ng coronavirus noong bisperas ng Pasko.

Kinabukasan naman ay nag-post na ito ng mga larawan kung saan makikita na nakahiga ito sa isang kama sa ospital.

“This sums it all up,” saad sa caption. “My Christmas Day.”

Ang anak din ni Norman na si Greg Norman Jr. ay inanunsyo rin sa social media na siya at ang kanyang asawang si Michelle ay kinapitan din ng virus.

Noong nakalipas na weekend nang lumahok ang mag-ama sa PNC Championship in Orlando, Florida.

“It’s been an ugly one,” ani Norman. “I for one am looking forward to getting out of this quarantine and looking forward to building whatever the great future is for 2021 and beyond.”