-- Advertisements --

Inanunsyo ng retired golf superstar Jack Nicklaus na kinapitan siya at ang kanyang asawang si Barbara ng COVID-19 noong buwan ng Marso.

Ayon sa 80-year-old na si Nicklaus, nakaranas daw siya noon ng sore throat at ubo, habang asymptomatic o wala namang sintomas ang kanyang asawa.

Nanatili rin daw sila sa North Palm Beach, Florida mula Marso 13 hanggang gumaling na raw sila sa sakit sa Abril 20.

“It didn’t last very long, and we were very, very fortunate, very lucky,” wika ni Nicklaus. “Barbara and I are both of the age, both of us 80 years old, that is an at-risk age. Our hearts go out to the people who did lose their lives and their families. We were just a couple of the lucky ones.”

Kuwento pa ni Nicklaus, nagpositibo siya sa virus nang apat na beses, habang tatlo naman ang kanyang asawa, pero kalaunan ay kapwa na silang nagnegatibo sa COVID-19 at positibo sa antibodies.

“Our hearts go out to the people who did lose their lives and their families,” ani Nicklaus. “We were just a couple of the lucky ones, so we feel very strong about working with those who are taking care of those who have COVID-19.”

Ang Memorial Tournament sa Muirfield Village Golf Club, kung saan Nicklaus ang nagdisenyo ng course, ay nagpapatuloy pa rin kahit na walang mga manonood.

Sa nakagawian namang pagkamay ni Nicklaus sa nagwagi sa torneyo, inihayag ng golf icon na wala raw problema sa kanya ito pero nakadepende pa rin kung nais makipagkamay ng kampeon.