-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus si golf player Tony Finau.

Dahil dito ay umatras na siya sa pagsali s PGA Tournament na gaganapin ngayong linggo.

https://www.instagram.com/p/CGBLlBIlyGS/

Sinabi ng 31-anyos na golf player na sinimulan niya ang pagsasagawa ng quarantine.

Ang ranked 16 golf player ay nakatakda sanang maglaro sa Shriners Hospital para sa Children Open sa Las Vegas.

Tiniyak naman nito na agad itong maglalaro kapag tuluyan na itong gumaling.