-- Advertisements --

Umatras na sa paglalaro sa CJ Cup at Shadow Creek sa Las Vegas si World Number golf player Dustin Johnson, matapos na magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa PGA Tour, idinaing ni Johnson na nagkakaranas ito ng sintomas ng COVID-19.

Matapos na suriin ang 36-anyos na golf player ay lumabas na nagpositibo ito.

Agad na dinala ito sa isolation room at hinahanap na ang ilang mga nakasalamuha niya.

Tiniyak nito na babalik siya sa paglalaro kapag tuluyan ng gumaling ito.