Ipinagpaliban ang nakatakdang world title fight sa Japan ni Gennady Golovkin laban kay Ryota Murata.
Ito ay matapos na ipinagbawal ng Japan ang pagpasok ng mga dayuhan dahil sa banta ng Omicron coronavirus.
Gaganapin sana ang laban ni Golovkin laban kay Japanese WBA super-titlist Murata sa Disyembre 29 sa Saitama, Tokyo.
Wala pang tiyak na petsa na inilaan ang promoter sa nasabing laban.
Huling lumaban kasi ang Kazakh boxer ay noong nakaraang taon ng talunin niya si Kamil Szeremeta sa ikapitong round at patumbahin niya ito ng apat na beses.
Nagpahayag naman ng pagka-dismaya ang 39-anyos na boksingero ng malaman na hindi matutuloy ang laban.
May record si Morata na 16 na panalo at dalawang talo habang si Golovkin ay mayroong 41 panalo, isang talo at isang draw.