-- Advertisements --
golovkin
Kazakh knockout artist Gennady Golovkin

Inanunsyo ni dating unified middleweight champion Gennady Golovkin na kakalas na ito sa pangangalaga ng kanyang longtime trainer na si Abel Sanchez.

“I would like to announce that I have made a major decision for myself and for my career. I want to build on what I have already achieved and continue to better myself. Therefore, I will not be training with Abel Sanchez. This was not an easy decision for me and it is not a reflection on Abel’s professional abilities. He is a great trainer, a loyal trainer, and a Hall of Fame trainer,” pahayag ni Golovkin sa kanyang social media.

“I will be announcing my new trainer at a later date. But today, I want to thank Abel for the lessons he taught me in boxing.”

Noong Setyembre 2018 nang madungisan ang malinis na record ni Golovkin (38-1-1, 34 KOs) nang magapi ito ni Canelo Alvarez sa isang 12-round majority decision sa kanilang WBC, WBA, IBO middleweight belt rematch.

Nitong nakaraang lamang nang lumagda ng isang six fight agreement ang Kazakh knockout artist sa streaming service na DAZN.

Sa nasabing kasunduan, makakatunggali ni Golovkin sa June 8 fight si Steve Rolls ng Canada sa Madison Square Garden sa New York City.

Sakali namang matalo nito si Rolls, posible raw ang isang trilogy sa pagitan nila ni Canelo, pero ito ay kung dominahin naman ng Mexican star si Daniel Jacobs sa susunod na buwan.