Nakatakdang bumiyahe sa Japan si reigning IBF at IBO world middleweight champion Gennadiy ‘GGG’ Golovkin para sa laban niya kay WBA world middleweight champion Ryota Murata sa Disyembre 28 sa Saitama Super Arena.
Sinabi ng 39-anyos na si Golovkin na sabik na itong lumaban sa Japan na itinuturing na bansa kung saan sikat ang boksing.
Mayroon itong record na 41 panalo, isang talo at 36 knockouts na huling panalo nito ay kay Kamil Szeremeta sa loob ng pitong round sa pamamagitang technical knockout.
Nakuha nito ang unang pagkatalo sa kamay ni Saul “Canelo” Alvarez noong 2018 sa pamamagitan ng majority decision.
Habang si Murata ay mayroong 16 na panalo, 2 talo na mayroong 13 KO.
Huling laban nito ay noong Disyembre 2019 ng talunin niya si Steven Butler sa loob ng limang round sa pamamagitan ng technical knockouts.