-- Advertisements --
golovkin 3
Szeremeta vs Golovkin (photo from @DAZNBoxing)

Nagtala ngayon si Gennady Golovkin ng record sa boxing matapos ang matagumpay na ika-21 pagdepensa sa kanyang IBF at IBO crown sa middleweight division.

Una rito, apat na beses na pinabagsak ng Kazakstan superstar si Kamil Szeremeta ng United Kingdom na tuluyang sumurender sa seventh round.

Ang panibagong panalo ng 38-anyos na si Golovkin ay nagbigay sa kanya ng record upang lampasan ang dating hawak ng boxing legend na si Bernard Hopkin sa 160-pound division.

Mistula namang “one sided” ang bakbakan nang dominahin ni Golovkin ang kanilang harapan na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood California.

Ito ang unang laban ng knockout artist na si Golovkin makalipas ang 14 na buwan.

May professional record na ngayon si Golovkin na 41-1-1, kung saan 36 dito ay via KOs.

Ang 31-anyos naman na si Szeremeta ay ang kanyang unang talo bilang pro (21-1, 5 KOs).

golovkin 4
Gennady Golovkin (photo from @DAZNBoxing)