Kumpiyansa ang kampo ni Kazakh boxer Gennady Golovkin na magagawa nilang pataubin si Sergiy Derevyanchenko para sa bakanteng International Boxing Federation middleweight title sa darating na Linggo, Oktubre 6.
Ayon sa coach ni Golovkin na si Jonathon Banks, malaki ang kanyang tiwala na kaya pa raw makipagsabayan ng kanyang alaga sa ibabaw ng lona.
“I would consider his age a factor if this were 1995 through 1998,” wika ni Banks.
“But with the medicine and technology, it’s different. I really think he could fight until he was 75 if he wanted to, and I’m serious.
“He lives really clean. His 37 is not the average 37.”
Sinabi naman ni Golovkin na mistulang nabuhayan daw ito sa pagtuturo ni Banks lalo pa’t target nitong masuot muli ang belt na una nitong napanalunan noong 2015.
Samantala, sa panig naman ni Derevyanchenko, naniniwala itong kaya niyang masilat si Golovkin upang maitakbo ang belt, at para na rin palabuin pa ang tsansa ng muling pagtutuos nina Golovkin at Canelo Alvarez sa susunod na taon.
“I don’t care that I’m underdog,” ani Derevyanchenko. “When I’m in the ring, it’s just me and GGG.
“That’s it. No matter if it’s an underdog or no. It’s just between these guys.”