-- Advertisements --

Naniniwala si Ormoc City Mayor Richard Gomez na dapat ay pagtuunan pa ng pansin ang mga sports na malaki ang tsansang makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Tugon ito ng actor-sportsman sa pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas chairman emeritus Manny Pangilinan na sinimulan na nila ang inisyal na preparasyon para sa 2023 FIBA World Cup kung saan isa sa mga host ang Pilipinas.

“Let’s face it. International basketball is not for us Filipinos. We are just too small for the game. At best would be the Southeast Asian region,” saad ni Gomez, na presidente rin ng fencing federation.

“If you want to continue basketball let’s just do it for local consumption. Save you funds and use it for sports where we can become Olympic champions.”

Ang pahayag na ito ni Gomez ay kasunod ng malamyang kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup sa China kung saan nagtapos ang national team sa ika-32 puwesto.