Humingi na ng paumanhin si presidential candidate at dating Defense Secretary Norberto Gonzales kay Vice President Leni Robredo.
May kaugnayan ito sa kontrobersyal na press conference na ipinatawag nila nina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Ping Lacson noong Easter Sunday.
Sa naturang pulong balitaan, nanawagan si Moreno kay Robredo na umatras na lamang sa pagtakbo sa pagkapangulo — ideya na “uncomfortable” para kay Gonzales.
Binigyan diin ni Gonzales na hindi siya “anti-Robredo” at sinabi rin na ang bise presidente ang siyang mayroong hawak na “best chance” para hamunin si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siyang nangunguna naman sa mga frontrunner sa survey.
Nauna nang dumistansya si Lacson sa panawagan ni Moreno kay Robredo na umatras na lang sa presidential race.