-- Advertisements --
Sanchez BuCor
Mayor Sanchez

DAGUPAN CITY- Dapat maforfeit ang naipong Good Conduct Time Allowance (GCTA) ni convicted rapist, murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay National Union of Peoples Lawyers o NUPL Secretary General Atty. Ephraim Cortez, sinabi nito na dapat back to zero ang GCTA ni Sanchez magmula nang ito’y makulong hanggang sa nahulihan ng shabu sa loob ng piitan dahil seryosong paglabag ito sa batas.

Giit ni Atty. Cortez, dapat pag-aralang mabuti ang napipintong paglaya ni Sanchez sapagkat hindi na dapat binibigyan pa ng parole ang dating alkalde sa bigat na rin ng mga kaso nito.

Dapat rin aniyang magkaroon ng kalinawan kung paano ang magiging pamantayan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) na ibinibigay sa mga convicted criminal o preso.

Nababahala sila kung sinu-sino pa ang magbebenepisyo sa Republic Act No. 10592 kung saan nadaragdagan ang GCTA na ibinibigay sa convict.

Matatandaan na nahatulan si Sanchez ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa rape-slay kay University of the Philippines-Los BaƱos student Eileen Sarmenta at pagpatay sa nobyo nitong si Alan Gomez.