-- Advertisements --
good samaritan la Union honest

LA UNION – Laking pasasalamat ng isang abogado ang pagkakasauli sa kanyang wallet na nahulog ng hindi nito namamalayan sa tulong ng Bombo Radyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Atty. Joselito Biares, residente ng Barangay Mameltac, sa siyudad ng San Fernando City, La Union, nagtungo ito sa merkado publiko sa bayan ng San Juan upang mamamalengke.

Nagulat na lang ito nang matuklasan na nawawawala na ang kanya wallet pagdating nito sa kanilang bahay.

Ayon kay Atty. Biares, nakita umano ng anak nitong doktor sa Facebook ng Bombo Radyo La Union na naka-post ang nawawawala nitong wallet kung saan agad naman silang nakipag-ugnayan.

Samantala, masayang ibinahagi naman ni Marife Cabagbag, ng Barangay Taboc sa bayan ng San Juan ang tulong na kanyang nagawa sa pagsasauli sa wallet.

Kuwento niya nahulog ang wallet sa mismong tapat ng stall ng kanyang ina sa palengke.

Agad nitong kinuha upang maibalik sa may-ari sa tulong ng Bombo Radyo.

Aniya, hindi sumagi sa kanyang isip na gastuhin ang perang hindi naman nito pinaghirapan lalo na at may takot ito sa Dios.

“Napakasaya ng kalooban ko na makatulong at maibalik ang pera na napulot ko! Hindi ko naman ito pinaghirapan kaya ayoko pong angkinin!” wika pa ni Cabagbag.

Masaya rin umano ito na nakatulong siya sa ibang tao.

“Labis akong nagpapasalamat dahil si Marife ang nakapulot ng wallet ko. Kumpleto ang lahat ng nilalaman nito. Walang labis, walang kulang! Isa siyang huwaran at anak ng Diyos,” ani Atty. Biares.