-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ng kasalukuyang kalihim ng Department of Information and Communications Technology na si Secretary Henry Aguda ang pagkakaroon ng isang polisiyang magpapatupad ng ‘Good Vibes’ sa internet.

Sa kauna-unahang isinagawang Executive Committee Meeting o ExeComm ni Sec. Aguda bilang chair ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), inenderso nito ang naturang polisiya na target ang pagresolba sa fake news, cyber scams, at digital threats.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, ang pagkakaroon ng ‘Good Vibes sa Internet’ policy ay isa lamang sa mas marami pang inisyatibo ng kagawaran upang mas mapabuti at maging ‘trustworthy’ ang online environment sa bansa.

Sa isa pang pahayag ng kagawaran, ang nabanggit na polisiya raw ay nakabase sa Cybercrime Prevention Act of 2012 kung saan nakapaloob ang pagbubuo ng mga multi-agency task force bilang paglaban sa mga maling impormasyon online.

Bukod sa fake news, tinalakay rin ng kasalukuyang kalihim ang mga hakbang at inisyatibo ng kagawaran sa banta ng cyber-terrorism.

Kaya naman bilang bahagi ng ‘Good Vibes sa Internet’ policies, ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ay planong mag-isyu rin ng policy statement hinggil rito.

Pagkakaroon ng adbokasiyang ma-reclassify ang ilang particular na cybercrimes bilang cyber-terrorism na.

Sa pamamagitan nito, maiibsan ang mga ‘malicious actors’, at tuluyang pagpapanagot sa mga nasa likod nito ay matutukan.

Pati ang national security ng bansa at public safety ay layong mas mapaigting rin.

Kaya naman, muling tiniyak ni Department of Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda na makakasaeguro umano ang publiko na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang labanan ang mga disinformation at banta ng cybercrimes sa bansa.