-- Advertisements --

Balak ni Senator Richard Gordon na bumuo ng independent watchdog para magbantay sa mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth).

Sinabi ng senador na agad siyang maghahain ng resolusyon para sa pagbuo ng special unit sa pag-imbestiga sa mga nagaganap na anomalya sa nasabing opisina.

Mahalaga na manggagaling sa loob ng opisina ng Philhealth ang bubuuing watchdog para mahigpit na bantayan ang nasabing mga nagaganap na kurapsyon.

Magugunitang nahaharap sa imbestigasyon ang Philhealth matapos na na nakakakuha pa ng benepisyo ang mga pasyente kahit na matagal na silang patay.