-- Advertisements --

Nagpasya ang NBA-All Star Forward na si Gordon Hayward na magretiro na matapos ang 14 na NBA season.

Sa social media post nito ay inanunsiyo ang balita kung saan labis ito ng nagpapasalamat dahil sa maraming suporta sa kaniyang basketball career.

Noong 2023-24 ay naglaro ito sa Charlotte Hornets at Oklahoma City Thunder.

Dahil sa injury ay naging limitado ang paglalaro ng 34-anyos na si Hayward noong nakaraang season.

Mayroon itong 15.2 points average per game, 4.4 rebounds at 3.5 assists mula 2010 hanggang 2024 season.

Naging 9th overall sa first round pick ng Utah Jazz ito noong 2010 at naglaro rin sa Boston Celtics noong 2017 hanggang 2020.