Hindi na umano tinapos ni Boston forward Gordon Hayward ang huling taon ng kanyang deal sa Celtics para maging isang unrestricted free agent sa paparating na 2020-21 season.
Ayon sa mga impormante, kumalas na si Hayward sa kontrata niya sa Celtics, na sinasabing nagkakahalaga ng $34.2-million o katumbas ng P1.6-bilyon.
Gayunman, palaisipan pa rin sa mga tagapagmasid kung anong destinasyon ang tatahakin ni Hayward.
Sinasabing maaari pa ring manatili si Hayward sa Boston, o maging bahagi ng sign-and-trade deal na magbubukas ng mas maraming oportunidad.
Kung maalala, ni-recruit si Hayward sa Boston noong 2017, at pumirma ng four-year, $128 million deal sa koponan.
Gayunman, nagtamo ng kahindik-hindik na injury si Hayward sa unang quarter ng kanyang unang game, dahilan para hindi na ito makapaglaro sa buong 2017-18 season.