-- Advertisements --

Hindi naitago ni Senator Richard Gordon na batikusin din si Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID-19 pandemic response nito.

Sa kaniyang talumpati sa pagpupulong ng mga grupo ng mga negosyante, sinabi nito na tila walang patutunguhan ang gobyerno sa coronavirus pandemic response sa bansa.

Dagdag pa nito na kaya nasisita ang mga ahensiya ng Commission on Audit (COA) ay dahil sa kuwestiyonableng paggastos.

Aminado ito na paborito siya ngayon na binabatikos ng pangulo.

Magugunitang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Gordon kaugnay sa kuwestiyonableng paggastos ng Department of Health (DOH) tulad sa umano’y mga overpriced na PPEs.