-- Advertisements --

Itinuturing pang “blessing in disguise” ni Sen. Richard Gordon ang naging pagpuna sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang kagabi ay binatikos ng Pangulo ang mga opinyon ni Gordon, pati na ang laki raw ng tiyan ng senador.

Para kay Gordon, mas magpupursige pa siyang magpaliit ng “waist line” dahil para din naman ito sa kaniyang kalusugan.

Pero giit ng mambabatas, nabawasan na nga ang laki ng kaniyang baywang dahil sa pagpuna ng kaniyang asawa noong mga nakaraang buwan.

Paglilinaw nito, hindi siya napikon sa Pangulo sa kabila ng mga pagbanat sa kaniya.

Dati na raw siyang sumalungat sa iba pang presidente, kaya wala siyang babaguhin at mananatili ang mga pagpuna kapag may nakikita siyang hindi tama.