-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagbabala si Sen. Richard Gordon laban sa mga ospital na binebenta umano ang blood bags ni dino-donate ng Philippine Red Cross (PRC) – National Blood Services.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Gordon, na karapatan ng mga pasyenteng mangangailangan ng dugo na makakuha nito mula sa blood bags na libre ring ibinabahagi ng naturang non-government organization.

Nilinaw ng senador na siya ring chairman ng PRC, na wala dapat bayarang processing fee ang mga pasyenteng mangangailangan ng dugo.

Kamakailan nang magpada ang PRC ng halos 200 frozen blood bags biglang augment ng blood supply sa Western Visayas dahil sa kaso ng dengue outbreak.

Bukod sa augmented supply, nagpadala rin ang organisasyon ng emergency medical tents sa rehiyon.

Kaugnay nito, inalerto na rin ni Gordon ang mga Red Cross volunteers na manguna sa community cleanup drives upang masugpo ang pagdami ng kaso ng dengue.