CAGAYAN DE ORO CITY- Pinayuhan ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Senator Richard ‘Dick’ Gordon ang kampo ni Presidential spokesperson Atty Salvador Panelo kasama ang news websites Rappler and Inquirer.net na huminahon.
Kaugnay ito sa naibigay na kontrobersya nang napigil na pagkalabas sana ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na rape at murder convict gamit ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Ginawa ni Gordon ang hakbang kaugnay sa ginawa na pagbanta ni Panelo na maghahahain n libel case laban sa dalawang news online websites dahil natuklasan ang umano’y pakikipag-ugnayan nito sa Board of Pardons and Parole Office na mabigyan ng executive clemency ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sanchez.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Gordon na dapat paiiralin ng magkabilang kampo ang umano’y ‘act with civility’ habang kapwa kinaharap ang kontrobersiya sa GCTA.
Inihayag ng senador bagamat para sa kanya,wala itong nakikita na masama sa ginawa ni Panelo na mag-indorso ng komunikasyon mula sa Board of Pardons and Parole Office.
Dagdag ni Gordon kung maari lamang sana ay umiwas na si Panelo na makialam pa dahil hindi maitago sa publiko na dati itong nagsilbi na abogado sa kaso ni Sanchez noong taong 1993 hanggang pinatawan ng conviction ng korte pagsapit ng 1995.
Bagamat,inihayag nito na kaparatan pa rin ni Panelo na maghain ng kaso kung sa akala nito ay nalabag ang kanyang karapatan.
Una nang sinabi ng Rappler at Inquirer.net na ginalang nila ang hakbang ni Panelo subalit ginawa lamang nila ang kanilang trabaho kung saan natuklasan ang ugnayan nito sa pamilyang Sanchez bago pumutok ang GCTA controversy.
Kung maalala,nagisa ng husto ng komite si Bureau of Corrections Chief Nicanor Faeldon sa tila abuso na implementasyon ng GCTA kung saan naipalabas ang hindi karapat-dapat na convicted criminals sa New Bilibid Prison na kabilang sana si Sanchez.