-- Advertisements --

Ibinunyag ni Senator Richard Gordon na ang mailap na si Lin Wei Xiong na business associate ng dating economic adviser Michael Yang ay siya ring financial manager ng Pharmally Pharmaceutical Corp.

Si Lin na ikinasal kay congressional candidate Rose Nono Lin ay inakusahan na sangkot sa iligal na drug.

Makailang beses na rin ito ng pinatawag sa senado subalit hindi dumdadalo.

Sa ginawang ika-17 Senate blue ribbon committee sa maanomalyang pagbili ng gobyerno ng mga medical equipment mula sa Pharmally ay lumabas na si Lin ay siyang financial manager ng kumpanya.

Nakasaad ito sa certificate na inilabas ni Pharmally corporate secretary Mohit Dargani.

Depensa naman nina Pharmally chairman Huang Tzu Yen at Dargani na ang trabaho lamang ni Lin ay tumayo bilang guarantor sa mga suppliers.