-- Advertisements --

Agad na ring lalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong gabi ang bagyong Goring na nabuo kanina malapit sa Northern Luzon.

Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang tropical depression sa layong 380 km hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 60 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilagang silangan sa bilis na 30 kph.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang tropical cyclone signal number one sa Batanes.

Samantala, makakaranas pa rin ng ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa habagat at isolated thunderstorm.