-- Advertisements --

Pumanaw na ang Grammy nominated gospel singer na si Troy Sneed matapos na dapuan ng coronavirus sa edad 52.

Sinabi ng kaniyang publicist na si Bill Carpenter, nagkaroon ng kumplikasyon ito sa mga iniindang sakit nito.

Nalagutan ito ng hininga sa isang pagamutan sa Jacksonville, Florida.

Nakilala si Sneed sa mga gospel radio hits na “My Heart Says Yes” at “Worked It Out”.