-- Advertisements --
Nakapagtala ng world record ang actor na si Hafthor Bjornsson.
Ito ay sa pamamagitan ng deadlifting record sa pamamagitan ng pagbubuhat ng nasa 501 kg o 1,104 lbs.
Isinagawa nito ang record sa sarili nitong gym sa Iceland.
Binuhat niya ang naturang barbell sa loob ng dalawang segundo.
Nakilala ang actor sa pagganap nito bilang si Ser Gregor sa HBO series na “Games of Thrones”.
Ang 6ft at 9″ na si Bjornsson ay nanalo sa World’s Strongest Man competition noong 2018.
Ang unang record kasi ay hawak ni Eddie Hall na isang Briton noong 2016 na unang nakapagbuhat ng 500 kgs.