-- Advertisements --
Emmy Awards
Emmy Awards

Nanguna ang sikat na TV fantasy series na “Game of Thrones” sa pinakamaraming nominations sa Emmy awards.

Sa kabuuang 137 nominations ng HBO ay 32 dito ang para sa nasabing fantasy series.

Ang nasabing serye ay pinagbibidahan ni Kit Harington at Emilia Clarke.

Pumangalawa sa maraming nominations ang Netflix na mayroong 117 nominations na pinangunahan ng kanilang racial justice drama na “When They US” at time-loop comedy na “Russian Doll”.

Makakasama ng “Games of Thrones” sa top category best drama ay ang “Better Call Saul”, British Thrillers “Bodyguard” at “Killing Eve”, “Ozark” transgender show “Pose” , “This is US” at Succession.

Gaganapin sa darating na September 22 ang Emmy Awards sa Los Angeles.